Biyernes, Agosto 21, 2015

Repleksyon ng tulang "Ang Guryon"





 REPLEKSYON  

          Ang guryon ay sumisimbolo sa buhay at pangarap ng mga tao. Isa itong paalala na bago natin suungin ang agos ng buhay ay dapat muna nating ihanda ang ating sarili sa bagong daan na ating tatahakin. Bago tayo gumawa ng hakbang at desisyon sa buhay ay dapat muna natin itong isiping mabuti upang maging handa tayo sa mga hamon ng buhay. katulad ng isang guryon, tayo ay marupok at madaling nawawalan ng pag-asa dahil sa lupit at pasakit ng buhay ngunit, sa bawat sandaling ito ay tanging iisa lamang ang ating tatandaan, palaging may Diyos na handang makinig sa bawat pighating ating nararanasan at ang ating balikat na maiiyakan kung ang lahat ay parang wala nang patutunguhan. Pagkatapos ng lahat, ang tangi na lamang nating isipin na laging may Panginoon na handang sumaklolo sa atin.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento